Saturday, May 9, 2009

sino sila??

this is my first entry! never akong nag-blog dati.. laging bulletin lang sa friendster.. naisip ko lang... siguro naiirita na yung mga nakakabasa, kasi dun ako nagrarant. pano, i have this friend (sa friendster ko lang sya friend! duh? hindi kame close sa totoong buhay haha), nakita ko sa bulletin box, puro sya.. at puro rant din.. HINDI AKO NATUWA! haha kaya naisip ko, siguro it's about time na gumawa ako ng sariling blog para hindi ko napeperwisyo mga tao sa Friendster! haha...

anyway, simulan na natin ang kwentuhan!!!! GAME!

i don't even know how to start....
okay, ABOUT ME muna tayo....

jolly akong tao, makulit, masayahin... ayoko kasi ng boring.. CHIMOY yun!
chill lang ako, tamang kwentuhan plus chicha pwede na.. lalo na pag nanjan si VANOT (my closest friend), ay naku surebol buhay na buhay na ang tropa! haha tamang supplier ka ba naman! ayun lang ang trip namin... tambay, yosi break, foodtrip, chismisan at syempre kasama na dn ang laitan! yan yan ang lalakas mambasag ng trip ng mga to!

sige para masaya, ipapakilala ko sila..

ANG TROPANG TAMBAY....

VANOT: rich kid! ikaw ba naman regaluhan ng caroo na wala namang okasyon! sosyal dba? head turner yan! pag dumaan yan, for sure tititigan ng mga tao.. sya na may kutis albino! haha chika lang.. maputi talaga tong babaeng to.. may lahi kasi.. SWISS daw lahi nyan! ewan ko jan! pero infairness kamuka nya si mandy moore! ayun no, edi ikaw nanaman pinuri?! naku wag nyong pupurihin yan, sobrang pumapalakpak tenga nyan e.. maganda daw sya... EDI IKAW NA! pero malaki problema nyan... problema sa puso... hindi naman kasi namin maintindihan yang BABE nya kung seroso o hindi... ngayon break sila (sabi nya lng) pero feeling ko kayo parin!

PAU: e ano? (favorite line nya with matching bukaka at taas ng dalawang kamay haha). kung si vanot mala LABANOS ang kulay... eto mukang pinarusahan sa kaitiman! haha peace tayo pau! sabi nya nga, inapoy daw sya ng lagnat nung baby pa sya, ayan nasunog! haha hay naku, malungkot kapag absent si paulo sa mga tambay moments namin! ang benta nya kasi e! pero sa totoo lang, matalino tong taong to, mejo may pagka-aktibista nga lang.. balak awayin lahat ng tao sa skul nila! edi ikaw na batas! ewan ko ba jan, minsan hindi nko naniniwala sa mga kwento nya! hahahaha JOKE!!

RHINA: puseeeeeeeeeeeettttt! yan ang tawagan namin! hayup tumawa to, parang rinig hanggang kanto! haha! isa pang magulong kasama! hindi rin masaya kapag wala to! kung makapag shorts, parang nakapanty na lang na naglalakad sa kalye haha. e infairness sexy namn talaga sya! pinilahan yan ng mga tao sa village namin! haha nadaan nya sa KULOT nyang buhok! astig buhok nito, may agimat ata! ang lakas tuloy ng appeal! sya na may JOWA! swerte nga e, nakahanap ng tunay na pag ibig! naks! haha ang syota nyang si JUNO the great haha pag may nakita kang green na van na malaki, si JUNO yun for sure! haha

MYLES: natutuwa ako sa inyo (may hawak pang malaking payong!!) haha ang pinaka tahimik sa lahat! ang benta nga namin sa kanya! tawa lang sya ng tawa! nagmimistulang comedy bar lang! hahaha eto ang pinaka matanda, pero sa height batang bata! naman! haha mabait to, wala kang masasabi.. natututo na lang ng kalokohan samin... pero in a good way naman! hindi naman kame mga BI (mejo lang haha)

EDGAR: #7 sa most outstanding student sa lugar namin. partida, umo-on-the-side na sexy time while participating in class discussion yan! hahaha grabe nga sa kabibuhan tong baklang to e! daig pa yung boses ko sa pagiging babae! may pagka mahinhin pero malande! haha ampon nila puset to. naglayas ata sa kanila! ewan ko, nakalimutan ko na kwento! haha

JR: junior na tinuringan! baklang bakla naman ang puso't kalooban! haha wow parang tula lang! rhyming! sosyal! haha etong si jay, kapatid ni puset! isa pang malandi.. isipin nyo na lang pag nagsama sama yung 3 (jay, edgar, puset) o dba, ang gulo lang! hahaha


hmmm marami pa yan.. pero sila kasi yung madalas kong kasama ngayong bakasyon.. pano mga tambay din, kaya ganyan!

hmmm napansin ko lang mejo 1:25am na.. kaya pla pumipikit na mata ko :))
sige yan muna...
samahan mo ulit akong magpuyat bukas ah.. marami pkong ikekwento :))
bye :-h

0 comments:

 
template by suckmylolly.com