I CAN'T SLEEP :(
i hate this feeling.. yung tipong hindi ka makatulog.. so the tendency is, ang daming tumatakbo sa utak ko.. shit!! mapagod na kayo para wala na kong isipin!!
hay naku :( okay lang naman maglabas ng sama ng loob diba? actually, yun naman talaga yung reason why i made this blog! para kahit ang bigat na ng loob ko.. pwede ko paring ilabas thru writing.. SHIT talaga :( hindi ko alam... bakit hindi ako masaya!!! tapos ano, muka akong tanga.. tinotorture ko yung sarili ko...
GUSTO KO NG KAUSAP!
tara shot na lang!
para makatulog na...
para maging numb..
Friday, May 29, 2009
:(
Posted by totee at 9:40 AM 0 comments
3 in 1 plus 1
ayun, magbu-birthday nanaman ako! ang bilis talaga ng panahon...
parang kelan lang kakapasok ko lang ng NURSERY... tapos ngayon 21 nako? grabe... ang tanda ko na.. OLATS parin! walang boyfriend! lagi ko tuloy naiisip yung sinasabi ni madam "ang chimoy mo totee". oo na, ako na pinaka chimoy sa lahat! anong magagawa ko? ganon talaga!
anyway.. sana okay tong taon na to sakin..
sana maging swerte naman ako..
sana....
ang dami kong wish na sana matupad....
Posted by totee at 2:38 AM 0 comments
Tuesday, May 26, 2009
PLAY TIME!!!
MYBRUTE
JAMLEGEND
ito ang pass time ko.. pampatanggal ng stress yan. after work, ganyan ako.. tapos sabayan pa ng mga P3 pips! edi sige magulo na talaga =))
Posted by totee at 9:17 PM 0 comments
Labels: blog, online game, poker
Sunday, May 17, 2009
Sayang naman!
Di ko malimutan
Ang mga sumpa sa akin na di iiwan
Ako ay nagtiwala at sa yo ay naniwala
Na ako lamang ang nasa buhay mo
Tandang tanda ko pa
Ng sabihin mo sa akin na ayaw mo na
Ang mundo ko ay gumuho at ang luha’y biglang tumulo
Ang mga pangarap ko’y naglaho
Ano pa ba ang aking magagawa
siguro nga'y hindi tayo para sa isa't-isa
Sayang naman ang pag-ibig na ibinuhos ko sayo
Sayang naman ang mga panahon na ginugol ko sayo
Kung maibabalik ko lang ang ating nakaraan
Di na sana dadating sa ganitong kalagayan
Di ko matandaan
Kung ano ang huli nating pag-aalitan
Saan ba ako nagkulang, ano ba ang kasalanan?
At ikaw ay biglang lumisan
ano pa ba ang aking magagawa
siguro nga'y hindi tayo para sa isa't-isa
Sayang naman ang pag-ibig na ibinuhos ko sayo
Sayang naman ang mga panahon na ginugol ko sayo
Kung maibabalik ko lang ang ating nakaraan
Di na sana dadating sa ganitong kalagayan
Posted by totee at 7:49 PM 0 comments
I KNEW IT!!!
i heard you were back together na?
sabi ko na nga ba!
tama na yung kilig moments ko with you!
tama na yung sweet-sweetan mo!
tama na lahat ng to! nakakainis lang...
lumalabas kasi akong BITTER, na dapat HINDI naman :(
shit! mamimiis ko lahat ng to, I SWEAR!! iba ka kasi, alam mo yung walang effort pero pinapakilig mo ako? tsk nadali mo ako dun!
but you know what, im NOT really INLOVE with you... naging CRUSH kita ngayon na hindi naman nung umpisa...
pero ganon talaga! sana lang, seryosohin mo na yung girl mo ngayon!
This is all your fault!
Tinigilan ko na to nung una BABE, napansin mo dba, umiwas nko?
ikaw kasi e, sabi mo WAG KONG PANSININ MGA STAT MO, tapos may malalaman akong ganto?
(sigh) hindi kita iiwasan pero yung treatment, MAG-IIBA NA!
MAMIMISS KITA BABE :(
Posted by totee at 5:24 PM 0 comments
Labels: blog, heartbroken
Friday, May 15, 2009
Hannah Montana - NO MORE!!!!





akalain mo yun!
i was just surfing the net. checking pictures of Hollywood celebrities, and then i saw pictures of Miley Cyrus half naked! Actually, okay lang naman talaga. kasi sa century ngayon.. LIBERATED na mga tao! kaya go lang MILEY! hahahaha pero ang masama jan, may mga bata kasi na tinitingala sya.. so magiging masama image nya dba?
luckily... there were still people believing in her. maybe they just don't like her innosent image spoiled or they just don’t even care at all!
good thing for HANNAH MONTANA! she survived! haha
LESSON: kung gusto mong maging porn star, edi sana sa GIRLS NEXT DOOR ka unang nag-appear hindi sa Hannah Montana tanga! haha
Posted by totee at 2:20 AM 0 comments
Labels: blog, hannah montana, miley cyrus
Wednesday, May 13, 2009
BOYS BOYS BOYS!!!
i can't sleep :( kailangan ko ng matulog kasi nga maaga pko bukas.. pero ano, eto kaharap ko PC, nagsusulat ng blog! haaaayyysss... kung sino ka man.. please stop thinking about me... it really bothers me! (wow! kapal mo lang totee.. insomiac ka lang tanga!! haha)
ay sige.. i'll introduce you na lang to my LOVER BOYS!! haha (wow feelingera lang ako LOL)
i'll start with...............
MR. MVP:
hmmmm he's just a typical negro guy haha! ewan ko ba, nadali nya ako sa galing nyang magbasketball! hanep kasi, dun na ata natutulog yun! isa pa, sooooooobrang kulit nito as in! hindi ka titigilan... pero natutuwa ako sa kanya, honestly namimiss ko din naman sya kapag hindi sya nagpaparamdam... but the problem is...... UBER CHICKBOY nito!!! ang tibay no? sa itim nyang yun, aba nakuha pang mambabae! ang dami din nahu-hook sa galing nya sa court! hayup! actually, i dint like him before! he was the one who had a big crush on me! (sabihin mo ng makapal ako, but that was the truth!) we were introduced by our common friend! pero ang kras ko talaga nun, e yung isa nilang tropa! haha (oo na, kababata ko rin yun haha so no deal parin!!)
e ayun na nga, parang tumagal na lang na ganon sya... so nabaling yung attenton ko sa kanya! pero kasi... ang hirap naman sa taong to, hindi ata napipirmi sa isang babae! sabi ko nga sayo uber chickboy! nakakainis naman yung ganon dba? tsk!
so let's proceed to.....
MR. KABABATA:
ito naman... he's really one of my childhood friends... actually kapatid sya ng tropa ko! bdtrip no? kababata na, kapatid pa ng tropa? e ano na lang? kulang na lang karatola "HINDI KAYO PWEDE" hahaha hayup! e bakit ba? ipipilit ko parin! haha hmmm eto naman, hindi ko naman tlga sya crush before. nagstart to sa YM. i was just joking na crush ko sya... sobrang umaamin ako dun na matagal ko na syang type (w/c is not true naman tlga) actully nagulat nga sya e! pero sumakay.. tapos ang maganda nito... talagang pumatol sya sa trip ko! MALANDI din no? haha so ayun na nga... nang tumagal, napapansin ko lang... uber kinikilig nako sa kanya (does it mean, i really like him na? OMG! yeah i think so!!) hmmmm but the problem is..... mukang magkakabalikan sila nung ka-MU nya dito samin! tsssssssss ikokowt ko lang yung sinabi mo sakn before "syempre mas HOT ka dun" aba oo naman no!!! wala ngang ka-appeal appeal yun e! ewan ko ba kung anong nagustuhan mo dun, aside sa maputi sya! yun ba un? tapos ang kinaiirita ko pa, yung primary mo with her, hindi mo pa pinapalitan!! so what does it mean? are you still hoping to win her back? WTF!!! anyway... hanggang ngayon naman constant ang communication natin! minsan nga sinasadya kong hindi na lang magreply sayo.. kasi ayokong dumating sa point na masaktan nako. e from the start naman, alam kong this is just a BIG joke for you!! :(
alam mo yung sitwasyon ko kasi sobrang COMPLICATED!!!
COMPLICATED kasi:
1. magtropa sila
2. grabe chismis dito sa village namin, makita lang kayong magkasama, sabihin kayo na!!!
3. si MR. MVP iba ang hanap! (hindi ko na lam gagawin ko sayo! leche)
4. si MR. KABABATA magkakaroon na ata ng GIRLFRIEND!
ano ba? ayoko ng mag-isip!!! nakakapagod! wala bang dadating? yung tipong libre talaga? yung hindi ako pahihirapan... walang sabit!!! tssssssss
Posted by totee at 11:22 AM 0 comments
Monday, May 11, 2009
GO BACK TO WORK!!!!
goodmorning!!!
actually, nagtatrabaho ako ngayon, kaya lang inaantok nanaman ako plus pa yung gutom. hindi kasi ako nag breakfast! e pano, late nanaman akong nagising! ayan, wala pang ligo ligo to haha! later na lang... bakit ba, hindi naman ako maaamoy ng boss ko.... LOL!
FYI: im a home base worker.. research and data entry is my position!
ayan share ko lang, baka kasi isipin mo pumasok ako sa ofis ng hindi naliligo. yuck lang dba? pero sa work ko, hindi sya kasama sa requirements! OPTIONAL daw! haha
-------------------------------------------------------------------------------------------------
wow 2 days natengga tong blog na to! haha
hay naku umaga nanaman... work mode! HINDI nanaman ako naligo ngayong umaga! ang galing ko lang.. PASMA na talaga abot ko nito! lagi na lang : e kasi naman late na nagigising.. tsk! ewan ko ba.. minsan iniisip ko, kung ako yung employer, hindi ko rin tatanggapin ang sarili ko :))
haaaayyyyyyy, isa lang pumapasok sa isip ko ngayon, namimiss ko na mga beda friends ko :( ang tagal na naming hindi nagkita after graduation... ayyy sa sunday pla, binyag ng anak ni khaye (former beda classmate) so magkikita kame.. goodjob! buti naman! uber miss ko na tlga sila...
isa pa pla may chika ako... hahaha kagabi nakatambay nanaman kame sa tapat ng bahay namin. tapos naaawa ako kay vanot kasi umiyak sya dahil kay babe! dba sabi ko nga before, hindi nya alam kung seryoso si babe o hindi.. o ayan, edi nalaman nyang HINDI, napaiyak tuloy si tanga! i warned her naman e. i told her not to fall in love with that guy (kilala kasi yun na chickboy) ayan! sino ngayon ang nasaktan?! sabi ko pa, if he's just playing.... MAKIPAGLARO na lang din sya... pero ano? wala kasi to e.. kala nya seseryosohin sya ni babe.. tsk tsk tsk kawawang VANOT! dont worry dude, we're still here. chimoy naman yan e! hindi nga magaling sa court yan e :)) yaan mo na! we still love you dude!
so after ng eksena ni vava... biglang may dumating na naka motor! sino pa? edi si MR. MVP (haha) ayun no.. kinilig naman ako... (woooooo hindi rin) he asked for my number again.. nasira daw yung phone nya.. the problem is, im not even sure if i gave the right number!!! hahaha wala kasi ako sa ulirat nun! hahaha anyway, keri lang! nanjan pa naman si MR. KABABATA! hay naku.. next time ko na sila ikekwento! i have to work na! go! :))
Posted by totee at 7:43 PM 0 comments
Saturday, May 9, 2009
sino sila??
this is my first entry! never akong nag-blog dati.. laging bulletin lang sa friendster.. naisip ko lang... siguro naiirita na yung mga nakakabasa, kasi dun ako nagrarant. pano, i have this friend (sa friendster ko lang sya friend! duh? hindi kame close sa totoong buhay haha), nakita ko sa bulletin box, puro sya.. at puro rant din.. HINDI AKO NATUWA! haha kaya naisip ko, siguro it's about time na gumawa ako ng sariling blog para hindi ko napeperwisyo mga tao sa Friendster! haha...
anyway, simulan na natin ang kwentuhan!!!! GAME!
i don't even know how to start....
okay, ABOUT ME muna tayo....
jolly akong tao, makulit, masayahin... ayoko kasi ng boring.. CHIMOY yun!
chill lang ako, tamang kwentuhan plus chicha pwede na.. lalo na pag nanjan si VANOT (my closest friend), ay naku surebol buhay na buhay na ang tropa! haha tamang supplier ka ba naman! ayun lang ang trip namin... tambay, yosi break, foodtrip, chismisan at syempre kasama na dn ang laitan! yan yan ang lalakas mambasag ng trip ng mga to!
sige para masaya, ipapakilala ko sila..
ANG TROPANG TAMBAY....
VANOT: rich kid! ikaw ba naman regaluhan ng caroo na wala namang okasyon! sosyal dba? head turner yan! pag dumaan yan, for sure tititigan ng mga tao.. sya na may kutis albino! haha chika lang.. maputi talaga tong babaeng to.. may lahi kasi.. SWISS daw lahi nyan! ewan ko jan! pero infairness kamuka nya si mandy moore! ayun no, edi ikaw nanaman pinuri?! naku wag nyong pupurihin yan, sobrang pumapalakpak tenga nyan e.. maganda daw sya... EDI IKAW NA! pero malaki problema nyan... problema sa puso... hindi naman kasi namin maintindihan yang BABE nya kung seroso o hindi... ngayon break sila (sabi nya lng) pero feeling ko kayo parin!
PAU: e ano? (favorite line nya with matching bukaka at taas ng dalawang kamay haha). kung si vanot mala LABANOS ang kulay... eto mukang pinarusahan sa kaitiman! haha peace tayo pau! sabi nya nga, inapoy daw sya ng lagnat nung baby pa sya, ayan nasunog! haha hay naku, malungkot kapag absent si paulo sa mga tambay moments namin! ang benta nya kasi e! pero sa totoo lang, matalino tong taong to, mejo may pagka-aktibista nga lang.. balak awayin lahat ng tao sa skul nila! edi ikaw na batas! ewan ko ba jan, minsan hindi nko naniniwala sa mga kwento nya! hahahaha JOKE!!
RHINA: puseeeeeeeeeeeettttt! yan ang tawagan namin! hayup tumawa to, parang rinig hanggang kanto! haha! isa pang magulong kasama! hindi rin masaya kapag wala to! kung makapag shorts, parang nakapanty na lang na naglalakad sa kalye haha. e infairness sexy namn talaga sya! pinilahan yan ng mga tao sa village namin! haha nadaan nya sa KULOT nyang buhok! astig buhok nito, may agimat ata! ang lakas tuloy ng appeal! sya na may JOWA! swerte nga e, nakahanap ng tunay na pag ibig! naks! haha ang syota nyang si JUNO the great haha pag may nakita kang green na van na malaki, si JUNO yun for sure! haha
MYLES: natutuwa ako sa inyo (may hawak pang malaking payong!!) haha ang pinaka tahimik sa lahat! ang benta nga namin sa kanya! tawa lang sya ng tawa! nagmimistulang comedy bar lang! hahaha eto ang pinaka matanda, pero sa height batang bata! naman! haha mabait to, wala kang masasabi.. natututo na lang ng kalokohan samin... pero in a good way naman! hindi naman kame mga BI (mejo lang haha)
EDGAR: #7 sa most outstanding student sa lugar namin. partida, umo-on-the-side na sexy time while participating in class discussion yan! hahaha grabe nga sa kabibuhan tong baklang to e! daig pa yung boses ko sa pagiging babae! may pagka mahinhin pero malande! haha ampon nila puset to. naglayas ata sa kanila! ewan ko, nakalimutan ko na kwento! haha
JR: junior na tinuringan! baklang bakla naman ang puso't kalooban! haha wow parang tula lang! rhyming! sosyal! haha etong si jay, kapatid ni puset! isa pang malandi.. isipin nyo na lang pag nagsama sama yung 3 (jay, edgar, puset) o dba, ang gulo lang! hahaha
hmmm marami pa yan.. pero sila kasi yung madalas kong kasama ngayong bakasyon.. pano mga tambay din, kaya ganyan!
hmmm napansin ko lang mejo 1:25am na.. kaya pla pumipikit na mata ko :))
sige yan muna...
samahan mo ulit akong magpuyat bukas ah.. marami pkong ikekwento :))
bye :-h
Posted by totee at 9:26 AM 0 comments